Jeepney Moments 101

images (1) images

  • ‘Yung makakasabay mo sa jeep yung hindi mo close na kaibigan. Sobrang awkward.
  • Kapag maluwag na ‘yung jeep, biglang magsasideview sa pag-upo. Minsan sabay-sabay pa kayo.
  • Pag nagbigay ka ng bente pero sinukli sayo ni manong driver ay P13. Napagkakamalan ka pa ring estudyante.
  • ‘Yung may mga batang mag-aabot ng sobre.
  • Yung pinagtitinginan ka ng mga tao tapos napansin mong mabaho. Yun pala nakaapak ka ng tae!
  • Bababa ka na, tapos biglang umandar ‘yung jeep.
  • Bababa ka na nga, mauuntog ka pa.
  • “Ate yung buhok mo lumilipad sa harap ko. Nakakain ko pa. Kapag hindi kayo nagpuyod, gugupitin ko yan!”
  • Kapag inaantok ka gagamitan mong unan ung braso mo habang nakahawak sa safety handrails.
  • “Manong bayad ho” ” Ilan to? ” “Dalawa po, kasama na kayo, nakakahiya naman ho sa inyo manong libre ko na kayo”
  • “Manong, para!” “Bababa ba?”. “Ay hindi ho, aakyat!”
  • “Bayad ho… Bayad ho… Makikiabot po ng bayad. Bayad ho… PAKI-ABOT PO NG BAYAD! AY PUTANG INA, MANONG CATCH!!!”

25th Hour

author: anonymous

***1*** The End.

Fairytales. Yeah right! As if it’s true. Siguro nga yung fairytales eh

hindi maganda sa simula, then pagdating ng dulo eh happy ending parati.

Lagi na lang napapataas yung kilay ko. My mom told me I used to like

reading those kind of books. But right now… wala siya sa interest ko.

Paano nga ba sinisimulan yung story sa mga fairytale? Ano nga bang

phrase yun? Ooh.. ok. I remember. Let’s start my story with that phrase too.

Once upon a time, in a kingdom far far away, there lived a princess who

cleaned her closet. Ooopps… corny. Wala kaming kingdom, at hindi rin

whatever once upon a time. It’s modern day. And fairytales, don’t come

true in real life. Right now, the closet part was true. I’m cleaning my

closet and my drawers.

Ito yung binigay sa akin na relo ni Daddy nung nagpunta siya ng Canada.

Hindi ko naman na ginagamit so might as well, isama ko na lang doon sa sako.

Crap.

Ito kayang bag na regalo naman sa akin ni Mommy nung nanalo ako sa

Declamation ko? Marumi naman na so, wala na rin siyang kwenta.

Crap.

How about itong stuff toy na… Fine.. fine!! Bakit ba ako nag-aabala na

tanungin pa yung sarili ko kung alam ko naman na yung mga nandito sa

drawer eh yung mga hindi ko na ginagamit. Mostly, crap for me… not for

others.

Bumaba ako sa hagdanan namin at dumeretso ako doon sa mini-office ni

Daddy sa bahay. As usual, nakalatag na naman ang iba’t ibang papel sa

harapan niya at nakasalamin pa siya.

“Hey Dad, I need a ride sa Hand-me-down Shop!”

“Ok honey!” tapos winave lang niya yung kamay niya ng hindi man lang

lumilingon sa akin.

Wala na naman yatang pakialam sa mundo itong Daddy ko. Workaholic kasi

yan. Kapag nawala siguro yung work niya sa buhay niya, baka suki na siya

ng mga psychiatrist. Ang mean ko no? Totoo naman kasi. Dati nga bakasyon

namin sa probinsiya para mag-beach, may dala ba namang tatlong suitcase

at may gagawin daw siya.

And my Mom? She’s in the kitchen. Baking. She loves to bake.

Unfortunately, wala pa siyang nape-perfect. As for me, wala rin akong

talent. Or maybe I do, hindi ko lang alam. But lately, sinusubukan kong

mag hang-out sa kitchen para matuto magluto. Ayun, wala pa ring

nangyayari. Cooking is a talent right? Err.. I don’t know.

Nung nakalabas ako sa garden namin, mukhang walang tao. Hindi ko makita

kung nasaan yung driver namin. Hindi naman ako marunong mag-drive. O

siya, maglalakad na lang ako hanggang makarating doon sa Shop. Mas

mahilig naman ako doon.

Nag-sneak ako lumabas nun dala-dala ko yung malaking sako na pinaglagyan

ko nung mga gamit na ayaw ko na. Nung nasa labas na ako ng bahay,

tumakbo na ako. Mamaya may makakita pa sa akin.

Nakita ko na naman ang kagandahan ng village namin. Sa sobrang ganda at

sa sobrang tagal na namin dito, hindi ko pa rin alam yung pangalan nung

matandang lalaki na nakatira sa tapat ng bahay namin. Yung nasa kanan

naman eh alam ko ang pangalan pero hindi ko pa nakikita. Maganda nga

yung village, weird naman lahat. Hindi normal.

Ang daming sasakyan nun na nag-pass sa akin. Mausok nga eh kaya

nag-cough pa ako. Naglakad lang ako ng naglakad at saglit lang din eh

nasa harap na ako ng shop. Nakaupo doon si Mr. Ferol, yung may-ari ng shop.

“Hi Mr. Ferol!” tinaktak ko naman ng daliri ko yung glass window niya.

“Oh.. hija nandito ka na naman uli. May ibebenta ka uli?”

“Opo. Itong nasa sako.” tapos inabot ko sa kanya yung mga gamit ko.

I’ve been in this shop for a couple of times. Pero hanggang ngayon, wala

pa ring masyadong pagbabago maliban na lang sa mga nakasabit na

tinitinda. If you get the idea of hand-me-down shops, then wala na pala

akong problema i-explain sa inyo. If not, consult a doctor. I mean,

someone who knows all about it.

“One thousand one hundred pesos.”

Nagulat naman ako. P1,100? Para doon sa mga ayaw ko na?

“For real? Hindi ko naman po inaasahan.”

“Naku hija, sa pinambili niyo dito, ilang P1,100 na.” inabot niya sa

akin yung pera. “May quality naman talaga yung binebenta mo sa akin. May

balak ka na naman sa pera?”

Dahil nga iniikot-ikot ko yung paningin ko sa shop, isang minuto pa

siguro yung nakalipas bago ako sumagot.

“Opo. But, it’s not something for me. For.. somebody else.”

Ngumiti lang si Mr. Ferol.

“Anong taon ka na pala sa pasukan?”

“Uhmm.. 4th year po.” tapos yumuko ako.

“Doon ka uli sa private school?”

“I think so. I don’t know, ayoko kasi doon eh.” napatingin ako doon sa

labas at nakita ko si Roland na nakatingin din dito sa loob, “Sige po

Mr. Ferol aalis na ako. Nandito na yung isa sa action figures ng Daddy ko.”

Lumabas na ako nun sa shop at syempre hindi na ako nagtaka sa sinabi ni

Roland.

“Mam naman. Bakit po kayo lumabas ng hindi nagsasabi? Papagalitan po

kami niyang ng Daddy niyo eh.”

Huminto naman ako, humarap at nilagay ko yung isang kamay ko sa balikat

niya.

“Roland, I hate to say this but… I’m already 15. Turning 16 this year.

I’m a teenager. I’m still young, but I can handle myself. Eh yung Daddy

ko? He’s in his late 40’s. Old enough! Kaya dapat, sa kanya ka lagi

nakadikit.” tapos dumeretso na uli ako ng lakad.

“Pero papagalitan po kami nun. O kaya ikaw rin.”

Tumawa naman ako.

“Ako papagalitan ni Daddy?” tinuro ko pa yung sarili ko at nakangiti…

“You’re right.” tapos bigla akong sumimangot. “Pero sasabihan ko lang

yun ng I’m sorry hind na mauulit Dad wala na uli yun. It always works

for me! You should try it.”

“Magwo-work lang yun kung tatay ko siya. Kaya nga ang kaibahan natin

ngayon, Daddy mo siya, boss ko siya. So.. uuwi na tayo.”

Hinila naman niya ako kaya lang pinigilan ko siya.

“Roland, saglit lang.” tapos tinaas ko yung sobre doon na hawak ko,

“Kailangan ko lang ibigay ito doon.”

“Magdo-donate ka na naman doon sa school?!?”

Tumingin ako sa gilid at tinakpan ko yung bibig niya.

“Shh! Huwag ka ngang maingay. Nobody knows it’s me. Gusto ko lang

mag-donate doon sa school para, para ma-improve nila yung mga

bagay-bagay. In my school, lahat may gumagawa para sa amin. You don’t

have to do anything but to bug your teacher. Pero diyan sa public high

school? It’ll help alot of them. Please!”

“All right!”

This time, sumakay kami ng kotse na dala ni Roland at dumeretso kami

doon sa school. Hindi na ako bumaba at tinulak ko siya na lumapit doon

sa babae na nag-aabang ng donation. May inabot naman na papel tapos

dinala niya sa akin.

Nilagay ko yung pera doon sa loob. Hindi naman ganun karami pero, at

least meron. Nakalagay yung amount doon sa labas, tapos name ng

nag-donate. As usual dahil ayokong may makaalam na ako yung nag-donate,

nilagay ko na lang yung madalas kong nilalagay. ‘A.L.’ Initials ng

pangalan ko.

Umuwi na kami ng bahay pagkatapos nun. Sinermonan ako ng Daddy ko na

delikado daw yung ginawa ko. Syempe, oo na lang uli ako ng oo.

“Sinabi ko naman sa iyo na may fund tayo para sa donation na gusto mong

ibigay bawat school! Ano pa bang gusto mo? May program na tayo para

doon. Tapos ngayon tumatakas ka pa?”

“Dad! I’ve been in this program since I was 5 years old! And thank you

sa pag-oorganize ng program for donations. Pero alam mo kung anong gusto

ko? Magdo-donate na lang din ako eh galing sa akin. Magdo-donate ako ng

hindi nila ako kilala! Hindi dahil magdo-donate ako for publicity! So

people would think I’m really kind! No way!”

“But you are kind! Kaya nga nagbibigay ka sa kanila ng donations ‘di ba?

Don’t you want them to know that you are ‘A.L.’?”

“No Dad. Kaya ko nga ginawang ganun para hindi nila alam.” Tumingin ako

doon sa mga kasamahan namin sa bahay na nakapalibot sa amin. “Nobody

knows except everyone in this house! No one would talk about my name and

‘A.L.’!”

Nagdabog naman ako at umakyat ako doon sa hagdan namin. Hindi pa ako

nangangalahati eh tinawag na naman ako ng Daddy ko.

“Anak, 4th year high school ka na sa pasukan.. then college. Naisip ko

lang..”

“Dad, wala akong oras para dito.”

“Ayos yung school na iyon anak. Nanduon ka na nga buong high school life

mo..”

“Yeah! That’s the point. I’ve been there 3 years of my high school life

and I still feel that I am not one! Ayoko nang bumalik doon.”

“You’re going back in that school you hear me?!?” dinire-diretso ko lang

paglalakad ko, “You’re going back to that school with that Wesley guy!”

Nung binanggit ng Daddy ko yun, napahinto na talaga ak ng tuluyan. Nasa

pinakataas na ako ng hagdan nun.

“Who?!?”

Mommy ko naman ang sumagot.

“Wesley. Yung nag-iisang anak ng mga Garcia.”

Nagalit talaga ako nun. Gusto nilang bumalik ako sa school na iyon para

magkasama kami nung Wesley Garcia? I don’t even know him. Alam ko na

kung bakit. Dahil may kumpanya sila. Syempre yung Daddy ko, gusto lang

na magkagusto ako doon din sa may pera na. Kaya nga niya ako inenroll sa

private school na yun ‘di ba?

“I hate you guys.” yun na lang ang nasabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Dumapa ako doon sa kama ko. Parang lahat na lang ng kilos ko, planado.

Parang lahat ng kilos ko, kailangan tanungin ko pa sa kanya. Hindi ba

ako pwedeng magdesisyn para sa sarili ko?

I’ve never been on a date in my entire life. Hindi dahil sa walang

nagyayaya sa akin kundi dahil ako lagi yung tumatanggi. Makikipagdate ka

na lang, may action figures pa na nakabantay. Makikipagdate ka na nga

lang, yung mga jackass spoiled rich kids pa makakasama mo. So what for?

Have you ever felt like your life is in a music box? Iikot mo yung key,

tutunog. Iikot mo uli, tutunog. The same music over and over again.

Nakakasawa na. It’s not funny at all. It is not.

For once, I wanna’ do something for myself. Gagawin ko hindi dahil gusto

ng Daddy ko, kundi dahil gusto ko.

Tumakbo ako doon sa kwarto ng Mommy ko at kumatok ako doon.

“Mom!” binuksan naman niya. Huminga ako ng malalim, “I’m enrolling

myself in a public school.”

Tumingin lang siya sa akin. Tapos yumakap sa akin.

“Go for it anak. Ako na ang bahala makipag-usap sa Daddy mo.”

Ngumiti naman ako. I have plans. Different ones. And if my Dad can’t

accept my own conditions, I’m not going to school… ever. Why bother

going to school if everything’s planned for me? Gusto ko mag-plano para

sa sarili ko. And experience the other side of everything.

This time…

I’m the going in the real world. ***2*** Hindi naman na ako nagtaka nung

nalaman ni Daddy yung tungkol doon sa plano ko. Sa bahay naman, siya

lang ang mahilig kumontra sa akin.

“Public School? Alam mo ba yung sinasabi mo?!?” ang aga-aga high-blood

na naman yata.

Hindi ko nga sinagot.

“Hindi mo ba alam na ibang-iba yung environment doon sa public school.

Iba yung mga bata, yung mga classrooms, mga pagkain..”

Napikon talaga ako nun.

“Tao rin sila Dad! Tao rin ako! What’s the difference? If they can do

it, I can!” binagsak ko yung kutsilyo ko saka yung tinidor, “I’m not

going to school kung babalik na naman ako doon. You want me to go with

that Wesley guy? I don’t know him!”

“Nag-iisang anak yun ng mga Garcia. Papasok na siya sa school mo.

Nagkausap na kami at bigyan lang daw sila ng tawag ok na. Why don’t you

give him a chance? He’s probably a nice–”

“Yeah right Dad. You only care about yourself. Sa pagkakaalam ko, hindi

mo naman concern na pumunta ako sa school na yun. You’re so desperate to

keep your company up that you are trying to set-up your own daughter

with some spoiled rick kid she never met! And FYI Dad, I want a change

in my life. It’s MY life. I didn’t say OUR life.”

Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun, tumakbo na naman ako sa taas

at doon na naman ako nag-iiiyak. Binuksan ko naman yung TV ko at

nilipat-lipat ko yung channel. Wala pa rin akong makita. Wala kasi ako

sa mood.

May kumatok naman sa labas ng kwarto ko. Nung tinignan ko, si Tilly pala

yun. Nanny ko since bata pa ako.

“Hi Tilly, kukunin mo yung laundry?” tinanong ko naman siya.

Instead, umupo siya sa edge ng kama ko at inakbayan ako.

“Anak ko, alam ko na nahihirapan ka rin.” hay, nandito na naman siya

para i-point out yung ginawa ko, “Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo?”

“Opo. Kung hindi lang din siya papayag, tatanda ako sa bahay na ito.”

ngumiti naman ako.

“Alam mo ba, maganda na ipinaglalaban mo yung gusto ko. Pero minsan,

dapat mo ring isipin yung magkabilang side na pinagpipilian mo. Maraming

pwedeng mangyari. Hindi mo alam kung lahat ba kakayanin mo..” I hate it

when she’s always right, “Kaya dapat, ready kang harapin lahat yun.”

“Hindi ako sigurado kung kakayanin ko lahat. Yun nga yung challenge ‘di

ba?!? Pero ang alam ko, ready naman ako eh.”

Bigla na lang may kumatok uli sa pintuan ko. This time, it’s my real

Mom. Nakangiti naman siya sa akin at nakatayo lang siya doon sa pintuan.

“Anak, I think you’re in luck. I talked to your Dad.. kahit na hindi pa

rin siya ganun ka-approve, pumayag na siya. But with certain conditi–”

tumalon ako nun sa kama ko.

Nag-kiss lang ako kay Mommy na nakatayo doon sa pintuan at mabilis naman

akong tumakbo sa hagdanan. Paalis na papuntang office yung Daddy ko.

Muntik pa akong madapa sa carpet pero wala akong pakialam. Tinalon ko

naman yung 7 steps sa front door namin at hinarangan ko yung kotse niya

na paalis kaya napahinto yung driver namin. I mean, napa-break ng de-oras.

Binuksan naman ng Daddy ko yung pintuan niya sa likod.

“Thanks Dad! Thanks alot!” yumakap naman akosa kanya.

Yumakap din naman siya sa akin.

“We’ll talk about it later. Anak, mala-late na ako.”

Humiwalay na ako sa Daddy ko. Wala pa akong slippers na suot nun.

Sumakay na siya uli at ako pa yung nagsara nung pintuan nung kotse.

Dahil nga sa sobrang saya ko, sumaludo pa ako sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay namin eh nagsasasayaw pa ako. Wala lang, I never

felt so happy for the last few days… or years.

***

Nag-doorbell naman kami doon sa bahay nila. Maliit lang kung ikukumpara

sa bahay namin, pero pakiramdam ko, masaya pa rin ako.

May nagbukas naman ng pinto. Nung makita niya kami eh..

“AAAAAAAHHHHHHHH!!!!” tapos sinara niya yung pinto. After 2 seconds,

binuksan niya uli at nakangiti na siya, “I mean, good evening cousin!

Good evening uncle.. and auntie.. and everyone!”

Pinapasok naman niya kami. Nagulat lang siya at nadayo kami dito sa

lugar nila. Hindi kasi kami madalas pumupunta dito.

Inexplain namin sa kanya at sa family niya yung plano. Anong yung plano?

Kasama ko yung cousin ko na papasok sa school. Siya ang magbabantay sa

akin. Yung cousin ko? Si Kaylie. Kay for short.

“Mag-eenroll ka sa public school? Napaka–”

Alam ko hindi maganda yung sasabihin niya kaya ako na yung nagtuloy.

Baka magbago bigla-bigla yung iniisip niya.

“–gandang opportunity naman yun ‘di ba Kay?”

Tumingin lang sila Mommy at Daddy sa akin. Ayon sa usapan namin, dito

muna ako sa bahay nila titira ng isang araw. Pagkatapos, magmo-move kami

ni Kay sa isang boarding house malapit sa school. Malayo kasi yung bahay

nila eh. Ayaw ng Daddy ko na biyahe daw ako ng biyahe at yung mga driver

daw eh hindi niya pinagtitiwalaan.

“Titira tayo sa boarding house? Tayong dalawa lang?” mukhang excited din

siya.

“Yeah.” tumango naman ako.

“Ang saya nun!”

Syempre bago pa umalis yung Daddy ko kasama si Mommy, Tilly at yung

action figures niya, kung anu-ano pang paalala yung binigay niya. Kesyo

siya daw ang magbabayad doon sa boarding house, na wala daw ako dapat

kalokohan, tumawag daw kung may kailangan, sabihin ko daw kung nagbago

na yung isip ko.. mga ganun.

Pero sorry na lang, hindi nagbago yung isip ko.

Doon na ako natulog sa kanila. Within three days, pasukan na namin.

Enrolled na si Kay, ako hindi pa. Pero dahil nga yung Daddy ko eh

maraming nagagawa, hindi na problema kung late man ako sa enrollment o ano.

Dinala namin yung bags ko nun hanggang sa taas. Si Tilly eh umiyak pa

dahil hindi daw niya ako makikita ng ilang buwan. Si Roland din eh

yumakap sa akin. Ka-close ko yung mga yun eh.

“Wow! Ang dami mong gamit! Branded pa lahat!” tinignan niya yung laman

ng bag ko.

“Gusto mo yung mga yan? sa ‘yo na lang.”

“Hindi nga?!? Hindi ako tatanggi!”

Mukhang ang saya-saya niya nung makuha niya yung mga damit na binigay

ko. Kung magpapakanormal high school student ako, e di lubus-lubusin ko

na. Simulan sa damit.

Nag-move kami kinabukasan doon sa boarding house na tinutukoy. Sabi ni

Daddy eh ako daw ang pumili. Pagpasok na pagpasok namin sa loob, ang

dumi-dumi doon. Hinatid kami nung babae sa isang room. Kabubukas pa lang

eh panay alikabok na kaagad yung bumngad sa amin at may ipis pa na lumipad.

Tinignan ko si Kay. Iba na yung itsura niya. Umiiling-iling pa siya na

hindi namin kukunin yung room.

Ako naman eh humarap doon sa landlady.

“Considering na panay alikabok yung kwarto at may ipis ako na nakikita..”

Tumango na naman si Kay at nakiki-agree sa akin.

“We’ll take it.”

Tumango pa siya ng isang beses tapos tumingin sa akin.

“What?!?” tumingin siya sa landlady, “Excuse me lang po ah,” hinila niya

ako sa gilid, “Ang dumi-dumi ng kwarto na yun doon tayo?”

“Konting linis lang yun ayos na! Maganda naman yung kwarto eh.. malinis.

Isa pa, nasa harap ng pintuan natin yung CR ng mga babae…”

Biglang may pumasok na lalaki na teenager doon sa CR at nagkamot pa ng

ulo at mukhang hindi kami napansin. Napataas yung kilayko.

“At lalaki.”

Ganun na nga ginawa namin. Nilinis muna namin yung kwarto bago namin

nilagay yung mga gamit namin. Wala pa lang aircon doon kaya ayun, pawis

na pawis ako. Pero natuwa pa rin naman ako dahil hindi pa ko naglinis ng

totoo. Hindi ko nga alam gumamit ng mop nila kaya nagbaha pa ng tubig

doon sa loob.

In the end sa sobrang pagod namin, nag-hire na lang kami ng babae na

pwedeng magtapos nung sinimulan namin. Kami eh nag-shopping ng pwedeng

gamit sa loob.

After that day, nag-move na kami. Maganda na yung room. Nung

nag-shopping kami, kinuha ko eh yung mga plain bedsheet para simple

lang. Gusto ni Kay nun eh yung may design. Hindi naman ako pumayag.

After two days, ang aga-aga kong nagising at sinubukan kong maligo doon

sa CR na marumi na nasa harapan namin. Buti na lang tiles siya. Hindi

naman pala ganun kasama. Nagdala pa man din ako ng pang bubble bath kaya

lang wala pa lang bathtub dito. At kung meron man, hindi siguro ako

gagamit dahil public toilet ‘to.

Ginising ko pa si Kay nun. Late na nga siya bumangon at mukhang wala

siyang balak pumasok sa school. Mabuti na lang mas mabilis siyang

kumilos sa akin. Sabi niya, excited naman ako masyado sa pagpasok.

Mukhang alam na niya kung saan kami pupunta. Unlike sa school ko before

na alam ko na kung saan ang room ko, dito naman sa kanila eh nakalista

yung names sa labas ng classroom at ikaw pa ang maghahanap. How, unusual.

Konti lang din yung lockers nila. Kaya magkasama kami ni Kay sa iisang

locker.

“Alam ko hindi ka sanay sa ganito, pero ganito talaga sa school na ito.

Shared lockers, maduming restrooms, may vandalism..”

Umupo naman ako kasama niya dahil nasa baba yung locker namin sa

hallway. Inayos ko naman na yung gamit ko. Iniwan niya ako nakaupo at

tumayo siya malayo doon sa akin at tinitignan niya yung mga dumarating.

Ang gulo nga sa school nila pero.. mas masaya ito. Kaysa naman organize

na organize, nakaka-depress lang.

Hindi ko maipasok yung binder ko dahil hindi na yata kasya. May narinig

naman akong ingay kaya lang hindi ko na lang pinansin. Kaya lang narinig

kong sumigaw si Kay.

“Hey.. hey hey.. ingat!”

Tinakpan ko yung ulo ko at napayuko ako. May nakita akong rubber shoes

sa gilid ko na nakatiptoe para pigilan na tumumba sa akin. Nung

tumingala ako, nakahawak na siya sa gilid at mukhang muntik na talaga

siyang matumba sa akin.

Lumapit si Kay sa akin. Akala ko kung anong sasabihin nung lalaki.

“Zup?” tapos umalis na siya kasama nung dalawang lalaki.

Nung nakalayo na siya, tumabi sa akin si Kay.

“Oh My God! Muntik na siyang matumba sa iyo. Hindi niya nakita na nasa

baba ka pala!”

Mukhang excited na excited naman yung cousin ko. Who the heck is that guy?

“Narinig mo yung sinabi niya sa iyo? Zup? Hindi nga ako kinakausap nun eh!”

“Sino naman yun?”

“Siya?” ngumiti siya sa akin, “That’s Jasper Morales, #1 prankster

namin.. pero smart.”

Parang hindi nagma-match ang prankster at smart ah! Usually smart, ibang

issue yung pagiging prankster.

Nagtaka lang ako sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay ko.

Dumiretso kami doon sa dulo ng hallway para hanapin yung room namin.

Nung makita na namin yung names namin sa pinakadulo na room, nandun yung

tatlong lalaki kanina.

“4th year din sila?”

“Oh yeah! Classmate ko na naman siya!”

Hindi na lang ako nagsalita. Unlike her, I don’t know everyone.

Nakatingin sila sa akin nun. Bago pa kasi ako. Iniwas ko na lang yung

tingin ko at napatingin ako doon sa building sa labas. Nakita ko yung

name ng building. A.L. Building #1.

A.L.??

“Hey Kay, who’s A.L?”

“Oh that? Siya yung nagdodonate lagi dito. Pinangalan na sa kanya yung

buildings dito. Wala ngang may kilala sa kanya eh. Ang bait niya no?”

“Ilan ang building dito na pinangalan sa kanya?”

“7.”

Seven?!?

Tumingin uli ako doon sa classroom at nakita ko yung Jasper na

naglalagay ng glue doon sa isang upuan. Paano kung may naupo doon eh di

malalagyan ng glue.

Hindi ko natiis, tumayo ako at inagaw ko yung glue sa kanya.

“What are you doing? Paano kung may naupo diyan?” nilayo ko yung glue sa

kanya.

“Yun nga yung masaya doon! May mauupo diyan, didikit siya.”

“No way! Masisira yung first day of school niya.”

Napansin ko na nakatingin na naman sila sa akin. Did I miss anything?

“In this school, masaya ito. Kaya akin na yang glue..” hindi ko pa rin

binigay. “Bago ka dito no?!?”

“How did you know? I.. i mean.. Oo.” bakit ba nage-english ako? Normal

kid. Right.

“Miss, Jasper nga pala. Sanay na mga tao sa akin sa ganito so… ibigay

mo na yung glue.” hinawakan ko pa rin.

Lumapit naman si Kay at hinila ako.

“Pasensya na, bago lang yung pinsan ko dito eh. Sa school kasi niya,

walang ganito.”

Tinignan ko ng masama si Kay.

“Syempre meron! Ahh…” inabot ko uli yung glue, “Sige lang!”

Hindi ko alam na yung ganito, normal lang sa kanila. First day pa lang..

I blew it!

Tumalikod na ako.

“Hey Miss! Anong pangalan mo at saan ka transferee?”

Nagtinginan kami ni Kay.

“Galing siya sa priv–” siniko ko naman siya kaya natigilan siya.

“Galing ako sa probinsiya. School ko eh…” tumingin ako sa gilid, “Jose

Rizal uhh… National High School.”

“Probinsiyana ka pala.” tapos binuhos na niya ng tuluyan yung glue.

Bumulong naman si Kay sa akin. ‘Probinsiyana? Ikaw?’

“Yeah… probinsiyana nga ako kaya hindi ko pa alam yung mga bagay-bagay

dito. My name is, Szarielle (she-ree-yel) Madrigal Lopez..”

Tumingin uli yung Jasper sa akin.

“Ok. Transferee ka galing ng JRNHS.. probinsiyana ka..” halata kong

confused na yung itsura niya…

“She— What now?” sabi ko nga hirap na naman sila sa pangalan ko.

***3*** Lagi na lang ganun. Nagkakamali sila sa pangalan ko.

“Szarielle.” inulit ko uli sa kanya.

“Anong spelling?” pinunasan naman niya yung kamay niya doon sa polo nung

kasama niya.

That is so rude.

“S-Z—” hindi ko naman natapos yung pag-spell ko ng pangalan ko dahil

pinigilan niya ako…

“Whoa.. whoa.. whoa.. simula pa lang mukhang mahirap na. SZ??” tumingin

siya sa kisame.. “Since your name is She-whatever.. I’ll call you…”

Kinabahan ako nun. Not Arielle.. not Arielle… not Arielle..

“Riel (ree-yel)”

Tumango na lang ako. It’s better than I expected. Ayoko maging Arielle

na naman ang nickname ko. Sa bahay at sa dati kong school yun ang gamit

ko. Baka magkaroon pa sila ng idea na A.L. stands for Arielle Lopez.

May pumasok naman na teacher at may kasama siyang isang lalaki na

nakasalamin. As in yung salamin niya, makapal na.

Tinuro nung teacher yung upuan sa likuran na nilagyan nung Jasper ng

glue. Napatingin ako doon sa lalaki. Kawawa naman siya. Nagpipigil pa ng

tawa yung Jasper saka yung dalawa pa niyang kasama. Gustung-gusto ko

sanang sabihin na mali yun, kaya lang bago ako dito. Ayokong mag-focus

sa akin yung spotlight.

Lumapit na sa likuran yung lalaki. Plantsadong-plantsado yung buhok, may

hawak na libro, makapal na salamin… I know.. you get the idea.

Uupo na sana siya nun sa upuan kaya lang hindi ko mapigilan yung sarili ko.

“Hey wait!” sabi ko naman kaya natigilan siya, “You can have my seat.”

Alam kong nagtinginan silang lahat sa akin. Pati si Kay eh nagtataka

kung ano daw ba ang ginawa ko.

Tumayo lang ako sa gilid nun. Hawak-hawak ko yung binder ko at

nangongopya nung requirements. Napansin din naman ako kaagad nung teacher.

“Uhmm.. Miss–?” tinuro niya ako.

“Riel.”

“Riel. Miss Riel. Bakit ka nakatayo eh may upuan sa tabi mo?” tinuro

niya yung upuan na pinangpalit ko.

“Ok lang po, ayos na akong nakatayo. There’s.. something.”

Hindi naman nakuntento yung teacher kaya lumapit nun. Tinignan naman

niya yung upuan. Nagsalubong yung kilay niya at tumingin sya doon sa

likuran.

“Mr. Morales, sa guidance office!” pinalabas niya yung Jasper, “Ms.

Riel, you can have his seat.”

Nakangiti pa yung Jasper na lumabas ng classroom. That is so odd. Masaya

pa siya na in-touble siya. Tumingin ako kay Kay nun.

“Was that supposed to be ‘cool’?”

Tumango lang siya sa akin. Sabi ko nga eh, cool yung ginawa niya.

Inayos ko naman yung binder ko doon sa desk ko. Saglit lang, may

kumakausap na sa akin.

“Thank you nga pala sa ginawa mo sa akin ha..” napatingin ako doon sa

direksiyon nung lalaki kanina, “Ronnie nga pala.”

Nakipag-kamay naman ako sa kanya. First day of classes, may friend na ako.

“Riel.” natapos na kami magshake-hands, “Bago lang ako dito.”

“Pansin ko nga eh.”

Nakopya ko na lahat nung requirements na dinikit nung teacher doon sa

board. Saglit lang din eh, pawis na pawis na ako. Mabuti na lang eh may

dala akong hanky sa bag ko. Ang init pala dito.

“Arielle!” this time si Kay naman ang tumawag sa akin, “Pawis na pawis

ka na ah. Ayan kasi hindi sanay sa–” tinignan ko nga siya ng masama, “I

mean, cousin.. RIEL! Sanay na sanay sa init.”

Nag-sign naman siya sa akin sa pisngi ko.

“What?!?”

“Kanina pa namumula.”

Bumalik naman na yung teacher at yung Jasper na nagpunta doon sa

Guidance Office. This time, tinignan lang niya ako at siya naman yung

tumayo doon sa tinayuan ko kanina. Nakataas yung kanang paa niya para

gawin niyang desk habang nagsusulat siya.

Nag-physics kami susunod nun. Ayos lang naman pala ang orientation nila.

Nakakailang lang, nasa gilid ko yung Jasper.

May tumunog naman na bell sa kanila. Bell? That’s… odd. Hindi alarm?

Or intercom?

“Bakit nakatingin ka sa kisame?”

“Wala lang. May napasin lang ako.”

Naglakad kami nun papunta ng cafeteria. Habang papunta na kami, panay na

ang turo ni Kay sa akin sa mga buildings. Hindi rin nagtagal, alam ko na

yung A.L. Building 2-7. Kung alam lang niya siguro.

Sabihin ko kaya? Huwag na lang.

Pagpasok na pagpasok namin doon sa cafeteria nila at sobrang dumi

talaga, bigla na lang may dumikit sa blouse ko na sobrang lagkit.

Paghawak ko..

“Sago? Eew.”

Tumingin ako sa gilid ko nun. Nakita kong may hawak na baso yung Jasper

at nakatingin sa ibang direksiyon. Kung hindi ko lang alam, siya ang may

gawa nun.

Eksakto namang lumingon siya. Kumaway pa sa akin. Inirapan ko lang.

Naupo kami ni Kay doon sa isang bakanteng upuan.

“Bakit siya ganun?” tinanong ko naman siya.

“Si Jasper?” tinuro pa niya, “Sanayan na lang yan. Makulit talaga yan.

Pero yun nga sinabi ko, matalino.”

“Matalino pero napupunta sa Guidance?”

“Sabihin na lang nating ganito..” nag-lean siya sa table, “Na-meet mo si

Ronnie ‘di ba? Top 2 ng klase namin yun. Matalino, pero.. geek type of

guy. Si Jasper, Top 1 namin. Matalino, pero cool. Gets mo? Tingin ko

ginagawa lang niya yan para mawala yung impression na nerd yung mga

matatalino. Last year, 7 times siyang napunta sa guidance in one day.

Pinalakpakan pa siya nun. In short… yung trouble sa kanya eh wala lang.”

“Hindi siya naki-kick out ng school?”

“Oh please! Dahil naglagay siya ng glue sa upuan o nanunulpit ng sago?

What kind of reasoning is that? Simula first year kami ganyan na yan.”

Kumain lang kami doon. Nung una pa lang, tinignan ko lang yung binili ni

Kay para sa akin. Ayoko pa sanang kainin nung simula, pero di nagtagal..

masarap din pala.

Wala yung teacher namin after breaktime kaya wala kaming ginawa.

Nakipagkilala lang ako at sinabi nga ni Kay na pinsan niya ako. Napunta

na naman sa Guidance yung Jasper. Hindi ko na lang pinansin.

Nung natapos naman na yung umaga, lunch na daw sabi ni Kay. Hindi pa

naman ako nagugutom nun dahil parang hindi pa bumababa yung kinain ko.

Ang sama nga ng pakiramdam ko nun eh, pakiramdam ko magsusuka ako.

Nagpaalam ako kay Kay na babalikan ko na lang siya sa room at gagamit

muna ako ng restroom. Di gaya uli sa room ko sa dati kong school, may

toilet bawat classroom.

Pumasok ako doon at kumuha ako ng paper towel. Dahil ayoko nga yung amoy

nung bowl nila, doon ako nag-lean sa lababo. Parang babaliktad yung

sikmura ko. Saglit lang din, I threw up.

Nagulat na lang ako nung may gumalabog sa pintuan. Kinabahan tuloy ako.

Tapos narinig kong bumukas tapos sumara uli ng malakas. Nung tinignan ko..

“AAAAHHHHHH!!!” tumigil din ako nung nag-sink na sa utak ko, “What’re

you doing here?”

“What do you think I’m doing?” naka-lean siya doon sa pintuan.

“I don’t know. Kaya nga tinatanong kita. This is the girls bathroom.

You’re a guy..” tapos ini-scan ko siya mula ulo hanggang paa, “Baka

naman gusto mo lang makakuha ng eyeful dito.. or.. you’re gay.”

“Excuse me Miss, kung papipiliin mo ako doon sa dalawa, mas gusto ko na

yung nauna kaysa sa pangalawa. But either way, hindi yun ang reason ko.”

“Then what?!?”

Parang ayaw pa niyang sabihin nung una, pero sumuko rin.

“Fine. Nagtatago ako.” tapos diniinan niya lalo yung pinto.

“Bakit?”

“Eh kasi po, binuksan ko yung sprinklers sa garden. Nabasa lahat ng mga

babae doon. Ngayon, hinahabol nila ako.”

“Ok.” pinunasan ko yung bibig ko nun at tinapon ko sa trash can.

Nakakuha naman siya ng kahoy at gnawa niyang lock.

“Hey, lalabas na ako.”

“Hindi pwede Miss. Kapag lumabas ka, papasok sila.. patay na ako. So

mamaya na lang kapag pagod na silang lahat.”

Naglakad naman siya doon sa restroom ng mga babae.

“Ganito pala ang itsura ng bathroom ng mga babae..” tapos

tumingin-tingin siya sa gilid, “Ang daya bakit may vending machine kayo!

Wala kami niyan ah!”

Lumapit naman siya doon sa tinatawag niyang vending machine.

“Oh.. gross.”

Napansin niya kung ano yung laman sa loob. Mga pads.. para sa you-know-what.

“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” ako pa ang tinanong!

“Girls bathroom? Hello?”

“I mean.. anong talagang ginawa mo? Number 2 no?” inasar pa ko.

“Hindi no! Number 2 ka diyan!” umatras naman ako.

“Paano mo nalaman yung tungkol doon?” nagtaka naman siya sa akin.

“Saan?”

“Number 2? Lahat ng girls na lumalabas ng CR at tinatanong ko sa number

2, laging sinasabi nila.. ano yung number 2. Ikaw lang yung may alam.”

“So what? It’s common.”

“No it’s not.” tapos tumingin siya sa akin, “Namumutla ka. Anong

nangyari sa iyo?”

“Uhmm.. medyo.. naghalu-halo lang siguro yung kinain ko.”

“Yung sopas pa sa cafeteria?” ngumiti siya, “Masarap naman ah!”

Hindi ko lang masabi sa kanya na hindi ako sanay kumain ng ganun, pero

nakinig siya doon sa pintuan.

“Pwede na akong lumabas?”

“Sorry, hindi pa.” tumayo siya sa harapan ko.

“Pero hinihintay ako nung cousin ko.”

“Nah-uh.” umiling siya sa akin. “Sorry, mapapahamak ako kapag lumabas

ka. Unless..”

Ayoko yung tingin niya sa akin nun. Biglang napatngin ako sa bintana na

tinititigan niya.

“Gusto mo bubuhatin kita doon ka lalabas sa binatana. Ako naman, dito

lang muna.”

“No way!” tinalikuran ko nga, “Ako aakyat sa bintana? Eh kung

pinapalabas mo na lang ako eh no!”

“Sorry ka. Hindi pwede. Magdasal ka na lang na mawala yung tao sa labas…”

Nag-isip naman ako nun. Ayaw talaga niya akon palabasin.

“Amen!” sabi ko na lang. “Wala nang tao sa labas. Alis na kasi.”

Ngumiti naman siya sa akin.

“Hellelujah!” tinaas pa niya yung kamay niya, “NO.”

Tumahimik na lang ako at naupo ako doon sa may lababo uli. Siya kasi eh

nakabantay doon sa pintuan. Walang nagsalita sa amin.

“Alam mo, for a new kid, you seemed to be everywhere.”

Nagsalubong naman yung kilay ko.

“I mean, parang nakikita kita kung saan ako magpunta. Sinusundan mo ba

ako?” siya susundan ko?

“Ikaw nga yung pumasok dito sa girls bathroom tapos ako yung sumusunod

sa iyo. you wish.”

Bigla na lang may kumatok ng malakas doon sa pintuan. Nagulat pa nga ako

kaya napatalon ako at tumakbo din ako.

“Hey couz! Nandiyan ka ba sa loob?!?” si Kay!

“Kay nandito–” tinakpan naman niya yung bibig ko.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ako o ano.

“Riel? Ikaw ba yan?”

Hindi na ako makasigaw nun dahil tinakpan niya yung bibig ko. Narinig ko

namang umalis na si Kay.

“Ano ka ba! Ang laki-laki naman ng problema mo! Kung ayaw mo lumabas,

ako gusto ko na ok? Ang init-init dito!”

“Mainit? Hindi naman mainit!” nakipagtalo pa siya.

“Kaya pala pinagpapawisan ka!” tinulak ko siya, “Tabi nga!”

Ayaw talaga niyang umalis doon. Kinuha ko tuloy yung hose doon.

“Hndi ka aalis, mababasa ka!”

“PUT-THAT-DOWN.”

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Hindi ko naman siya makuhang

basain dahil naka-uniform siya. Kaya lang inagaw niya sa akin at ako

yung binasa niya.

“Why did you do that?!?”

“Eh babasain mo ko eh!”

“No!” sa sobrang inis ko eh kinuha ko yung tabo doon sa malaking drum at

binasa ko rin siya.

Unfortunately, para kaming naligo na dalawa.

Siguro sa sobrang ingay namin doon, may nakarinig sa aming teacher.

Dahil nga teacher yun, binuksan din ni Jasper yung pintuan at lumabas

yung tubig doon nung binuksan niya.

“Anong nangyari dito? Bakit baha na?”

“Siya nagsimula!” nagturuan pa kami.

Tinignan kami nung teacher. Basang-basa kami parehas.

“Pumunta kayo sa nurse at humingi kayo ng mga extrang damit tapos

dumeretso na kayo sa cafeteria.”

Whoa! Walang parusa?!?

“Ganun po ba? Thank you.”

“Anong thank you? Pagkatapos sa cafeteria, dumeretso kayo sa Guidance.”

hinawakan niya si Jasper sa tenga at ako eh sa collar ko, “Nagsasayang

kayo ng tubig hindi naman kayo ang nagbabayad niyan!”

“Ow.. ow..”

Hindi na lang ako nagsalita. First day, first punishment. Tapos ganito

pa itsura ko.

Ang masaklap pa sa lahat…

Kasama ko siya sa punishment… ***4*** I can’t believe it. I have never

been in any trouble at my school, my entire life. Pero ngayon, first

day? Imagine.. first day! Pwede namang second day.. bakit kailangang

yung una pa!

Sinunod na lang namin yung sinabi nung teacher na hindi ko naman kilala

at pumunta kami sa nurse at humingi ng t-shirt. Hindi naman masyadong

nabasa yung skirt ko kaya ok lang kahit malamig-lamig. Ang laki nga nung

t-shirt na puti na binigay sa akin eh. Hindi naman pala masama.

Pagtingin ko doon sa t-shirt nila, may nakatatak na name ng school then

donated by A.L. Ano ba naman yan! Wala na bang ibang nagdo-donate dito

maliban sa A.L. na yun? Teka, ako nga pala si A.L. Dapat hindi na nila

pinangalan sa akin. Isa pa, hindi naman ako ganun katagal nag-dodonate

dito ah. Simula 5 ako nagbebenta na ako ng laruan ko eh! Which means..

I’ve been donating money here for almost… 11 years? Whoa. Pero noon

wala pa namang A.L thingy akong naiisip. Seven years old ako nung

nagsimula akong maglagay ng so-called ‘Anonymous’ name.

“Hindi ko isusuot yan! Itsura niyan!” may hawak na shorts yung nurse at

inaabot doon kay Jasper. “Ayos lang po ako. Nakat-shirt na ako. Yung

pants ko medyo basa pero ok lang po talaga. Kaya ko pa namang tiisin.”

tapos tumingin siya sa akin pero masama, “Salamat sa ibang tao diyan ang

galing umasinta!”

“Compliment ba yun o insult? Well, tatanggapin ko na lang na compliment

so.. thank you. Dapat iwork-out mo yung aim po para sa susunod, ako rin

basang-basa na.” free lessons from Arielle!

Tumingin ako sa wall clock doon sa clinic nila at napansin ko na 10

minutes before 1 na. Hindi na nga siguro ako makakakain ng lunch. Kanina

lang hindi ako gutom, pero ngayon pa yata kung kailan kami dapat pumunta

sa Guidance Office.

Nauna akong maglakad sa kanya. Siya naman eh nasa likod ko at sumusunod

lang. Hindi talaga kami nag-usap. Nakita ko na yung sign sa taas..

‘Guidance Office.’ Oh great! Kinabahan ako nun. Tumayo lang ako doon sa

labas.

“Tabi nga..” sinagi niya ako pero hindi naman malakas, “Tatayo ka lang

ba o papasok ka?” sabay binuksan niya yung pinto.

“Sorry, first time ko mapunta ng Guidance ok?”

“Get over it. You’re here already.” yeah! and it’s your fault!

Binuksan naman niya yung pintuan at pumasok siya sa loob. Hindi man lang

ba siya kakatok at maghintay na papasukin siya sa loob? Ako naman,

kumatok pero pumasok din ako kaagad.

Nakita ko siyang umupo doon sa isang upuan. Tingnan mo, hindi pa nga

pinapaupo naupo na?

“Upo ka na Miss Lopez.” sabi nung babae na nasa harap ko. “Sanay na kami

kay Mr. Morales kaya may sariling upuan na siya dito. Siya pa ang

nagdala niyan.”

Tinignan ko nga si Jasper. Akala mo bahay niya yung Guidance dahil

nakataas pa yung paa niya.

“Mr. Morales, pwede bang ibaba mo yung paa mo?” binaba naman niya.

“Thank you.”

Inayos naman niya yung papel niya sa lamesa niya tapos tumingin sa amin.

“Ngayon, sinabi sa akin ni Ms. Elgar na kayo daw dalawa ang dahilan kung

bakit nagbaha doon girl’s restroom..”

Bigla namang nagsalita kaming dalawa.

“Hindi ko naman po talaga kasalanan yun!”

“Siya ang nagsimula, hindi ko naman talaga siya gustong basain!”

“Binasa niya ako ng hose kaya binasa ko rin siya ng tubig sa drum!”

“Hindi siya tumigil kaya hindi rin ako tumigil…”

“Kaya nagbaha doon sa—” napatigil naman kami.

“STOP! Both of you.” naupo naman ako. Saka ko lang napansin na nakatayo

na pala ako. “Let’s settle this.” mahinahon na yung boses niya, “Sino sa

inyo ang nagsimula ng bathroom fight?”

Nagtinginan kaming dalawa.

“Siya.” tinuro ko siya at tinuro naman niya ako.

Dahil naghihintay ng sagot yung Counselor at mukhang walang aako talaga

sa amin, naisip ko na kausapin muna siya.

“Pwede pong pag-usapan lang namin saglit?” tumango naman yung Counselor.

Nag-lean naman ako sa direksiyon niya para makabulong ako.

“Hey, ganito na lang. Sasabihin mo ikaw ang nagsimula, sasabihin ko ako

ang nagsimula. In that case, hindi nila alam kung sino talaga. Ok ba sa

iyo yun?”

Hindi naman siya nagsalita. Nakiayon na lang din sa akin.

“Ok. Ready na kayo magsabi ng totoo?” sabay kaming tumango, “Sino yung

nagsimula ng basaan?”

Parang nag-rewind yung kanina at nagtinginan kami uli.

“Ako/Siya.” tinuro ko yung sarili ko at tinuro din naman niya ako.

Oh no he didn’t!

“Miss Lopez, ikaw ang nagsimula ng away?” on the spot na ako nito.

“Pero–”

“Considering na nagsasayang ka ng tubig..”

“Pero–”

“Ikaw ba?”

Cornered naman na ako. Bakit pa kailangang itanggi? May kasalanan din

naman akong maituturing.

“Opo.”

Tumayo naman si Jasper nun. Nakangiti na siya at dumiretso doon sa pintuan.

“Siguro naman tapos na ako dito. Wala naman akong kasalanan. Umamin

na..” tapos hinawakan niya yung doorknob.

“Not so fast Mr. Morales.” tinuro niya yung upuan niya uli, “Kailangan

mo pang i-explain kung anong ginagawa mo sa Girls Bathroom in the first

place.”

“Teka, ang kaso dito eh yung may kasalanan sa pagbabaha nung tubig..

hindi yung reason kung bakit ako nanduon!” nakatitig sa kanya yung

counselor, “Fine. I’m hiding in there.”

Ibubuka na sana nung counselor yung bibig niya para magtanong uli, kaya

lang pinigilan siya ni Jasper.

“Oopps opps.. huwag nang magtanong uli. Kapag nagtanong ka, lalabas yung

reason kung bakit ako nagtatago. At kapag lumabas yung reason kung ano

yung ginawa ko at bakit ko ginawa yun, magiging mountain lang lahat ng

ginawa ko so.. punish me.”

Sabi ko nga chain-chain na lahat ng ginagawa niya. Narinig naman na

namin yung bell at mukhang time na yata para sa klase.

Si Dwendeng Ramos- ang Engkantasya’ s Junior Mastershef

katha ni: John Michael Pan

 

Noong unang panahon, sa isang natatangi at mahiwagang kagubatan ng Engkantasya, sa Tabi- Tabi Po Street, katabi ng Nuno sa Punso, sa tapat ng isang malaki at 500 taon ng puno ng balete, makikita ang bahay na kabute ng isang masayahin at magiliw na batang si Dwendeng Ramos. (Tama, si Dwendeng Ramos ang bida ng kwentong ito, at AKO, ang butihin niyong tagapagsalaysay.)

Mahilig at mahal na mahal ni Dwendeng Ramos ang pagluluto. Kung kaya naman hawak kilala siya bilang Engkantasya’ s Junior Mastershef. Ang mga luto niyang tinapay at mga cakes ay siyang pinakamasarap sa buong kagubatan ng Enkantasya. Kaya naman, sa tuwi- tuwina ay nagsisik-sikan ang mga kaibigan nitong mga langgam at munting mga bubuyog sa kanyang bintana, upang tumikim ng kanyang mga apple pies. Ang mga kapwa kaibigan naman nitong dwende, ay nagpipista naman sa kanyang kusina sa mga luto niyang  strawberry buns at kapeng barakong hinaluan ng maraming gatas.

Ngunit, isang nakakagutom na gabi, malamig at malakas ang buhos ng snow (astig may snow sa  kanila), tatlong magnanakaw na mga daga ang napadpad sa Engkantasya. Malalaki ang mga dagang ito, yung mga tipong kasinlaki ng mga pusa, yung mga daga na makikita natin sa mga estero at kanal sa mga squatters area. Nabubuhay sila sa pagnanakaw ng pagkain sa kapwa nila daga, at pangpepeste sa mga gamit ng mga tao (tulad na lamang ng butas kong medyas sa cabinet, bad- trip talaga ang mga daga kahit kailan noh?) Balik tayo sa kwento ko, ang mga dagang ito ay napakasama at itim na talaga ang budhi, hambog, tamad, magaspang ang ugali at walang kinakatakutan — maliban sa mga pusang mas malaki sa kanila.

At dumating sa pangyayaring magsisimula ng kapighatian at kalungkutan ng ating munting bida: Naubusan ng pagkain ang mga kontrabidang daga. Ang tanging natira at bumulaga sa kanilang nakaw na sisidlan ng nakaw na pagkain ay isang tinik ng Bangus, balat ng Piattos at isang lata ng Ligo Sardines. Dahil sa bagong salta ang mga dagang ito sa Engkantasya, hindi pa nila alam kung paano sila raraket at paano mairaraos ang mahabang buwan ng tag- lamig. Isa sa mga daga, na tulad ng kanyang maitim na kulay at maitim na budhi, ay may isa ring napakaitim na balakin.

“Halina’t pasukin natin ang bahay ni Dwedeng Ramos at ubusin natin lahat na kanyang mga imbak at nakatagong pagkain habang siya’ y mahimbing na natutulog at naglalaway. ”

Sumang- ayon naman ang kanyang mga kanyang kapatid sa pananampalataya na naniniwalang, ang ‘dagang nagigipit, sa pagnanakaw kumakapit’. Napag- desisyunan nilang kay- itim nga ng  kanilang plano at nasiyahan sila dito. Ngunit, wala man lang sa kanila ang napagtanto na paano na lamang si Dwendeng Ramos makaka- survive sa mahabang panahon ng taglamig ng walang anumang pagkain ni buto man lang  ng saging na saba.

Sa kalagitnaan ng gabi ring iyon, dali- daling naghanda ang mga daga upang isagawa ang kanilang most evil plan, bitbit ang mga gamit nila sa upang mapasok ang bahay ng ating munting bida. Sa kabila ng malakas na snow, binagtas nila ang masukal na kagubatan at mula sa malamlam na liwanag ng nagtatagong buwan, ito ang siyang nagsilbing munting ilaw sa dilim ng ating mga bida- bidahang mga daga at kanilang pinilit looban ang tahanan ni Dwendeng Ramos. Dahil sa hirap silang masira at mai- unlock ang double padlock na pintuan at bintana, na may secret passcode pa at kung 7 ulit na magkamali, ay mag-i-initiate sa self- destruction mode na kasinglakas ng atomic bomb na ginamit nung World War II, pinili na lamang ng mga dagang ito na gumawa ng isang tunnel sa ilalim ng lupa upang doon dumaan at pasukin ang bahay ni Dwendeng Ramos.

At matapos ang 4 na oras, 35 minutes at 11 seconds, matagumpay din nilang napasok ang bahay ng ating bida. Pinuno nila ang dala nilang sako at mga bag  ng lahat ng uri ng pagkain na makita nila sa bahay nito- LAHAT maliban sa Reno Liver Spread, ampalaya at alugbati, na siyang pinakaayaw ng mga mapiling dagang ito.

Kinabukasan, laking gulat at sobrang panlulumo ang gumising sa buong katauhan ni Dwendeng Ramos. Walang siyang ibang magawa, kundi ang umiyak nang makita niyang walang lamang pagkain ang mga kaldero’ t garapon at tanging natira lamang ay palaman na Reno Liver Spread at gulay na ampalaya’t alugbati. Subalit, napagtanto niyang walang magbabago sa kanyang pag- iyak at hindi siya mapapakain ng kanyang mga luha sa panahon ng taglamig. Kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili, kung kaya’ t tinuyo niya ang mga luha sa kanyang mga mata, nilagay ang kanyang recipe book sa kanyang basket at umalis na upang maghanap ng trabaho kung saan siya ang pinakamahusay- ang pagluluto!

Malayo na siya sa kanyang tirahang kabute at sa kanyang paglalakbay sa kagubatan, naglipana rin ang mga gutom na nilalang na naghahanap ng makakain para sa taglamig. Delikado ang sitwasyon niya bagamat bata pa ay nag- iisa pa siya sa masukal na kagubatan. Sa paglalakad ni Dwendeng Ramos, napansin niya ang isang lobong sumusunod sa kanya, nanghilakbot siya at alam niyang hindi ang dalang recipe book nito ang pakay ng lobo, kundi ang kanyang batang karne. Naalala niya tuloy ang tsismis na mahilig daw sa sinampalukang dwende ang mga lobo, mas lalo tuloy siyang kinabahan. Isa lang ang nasa isip niya, ang tumakbo palayo sa lobong ito. At iyon nga ang kanyang ginawa, tumakbo siya ng tumakbo  at siya rin naming paghabol sa kanya ng gutom na lobo. Salamat na lamang at nakahanap siya ng ligtas na pagtataguan sa butas ng isang putol na katawan ng puno ng mahogany, dito siya nanatili hangga’t sa makatakas siya sa paningin ng  lobong nais siyang kainin at gawing panahog sa sinampalukang ulam.

Palubog na ang araw ng lumabas si Dwendeng Ramos sa butas ng punongkahoy. Malungkot siyang umuwi pabalik sa kanyang malamig at walang pagkaing tirahan, nang may salubungin siya ng dalawang munting ibon at  tinawag ang kanyang pansin.

“Dwendeng Ramos, may alam kaming naghahanap ng isang magaling tagapagluto”, ang masaya nilang pambungad, “si Tita Annabelle Dama, ang Bisayang engkantada, siya yung may- ari ng pinakamalaking bahay- panuluyan sa buong Enkantasya. Guesthouse yun para sa mga kumare niyang engkantada at mga diwata.”

Pinasalamatan sila ni Dwendeng Ramos, at nagtungo sa Bisayang nilalang na sinabi ng mga kaibigan niyang mga ibon nang masaya at may pag- asa.


Nasunog na naman ni Trudis Pusa ang mga cakes. Pang- siyam na ulit na niya ito sa loob lang ng 3 oras, 15 minutes at 0.07 seconds, naubos na rin niya ang mga sako ng harina at asukal sa kau-ulit. Tumataas na naman ang altapresyon ni Tita Annabelle Dama sa tuwing nakakaamoy siya ng amoy- tutong o anumang amoy- sunog, nauubos na daw ang oxygen sa hangin at puro amoy- sunog na lang daw ang kanyang nalalanghap sa buong bahay. Kaya naman pinalalayas na ng lola mong engkantada ang kaawa- awang pusa na si Trudis.

“NAKUUU ‘day, lumayas at maghanap ka na lang ibang trabaho ‘day, hindi ito luto- lutuan!!! Totoong buhay ‘to ‘day!!! ” Ang highblood na sermon ni Tita Annabelle Dama.

Ngunit san naman siya tutuloy at paano naman siya mabubuhay sa kagubatan sa gitna ng taglamig. Kaya naman, iyak siya ng iyak habang nagwawalis ng makakapal na snow sa pintuan ng bahay- panuluyan. At siya namang nadatnang drama ni Dwendeng Ramos nang sa wakas ay nakita narin niya ang bahay ni Tita Annabelle Dama, ang Bisayang Engkantada.

“Oy friend, huwag kang umiyak”, sabi ng ating bida, “Ako ang iyong konsensiya, este ako pala si Dwendeng Ramos, ang Engkantasya’ s Junior Masterchef. Hindi ako mayabang, nagsasabi lang ng totoo, alam mo yan, hmmnn! Haha! Biro lang ‘te, pinatatawa lang kita, masyado kasing pang- best actress yang pagluha mo ‘te. Huwag kang mag- alala pwede ka namang tumira sa bahay kasama ko, hindi na babalik ang pesteng daga kapag andun ka, siyempre matatakot yung mga dagang yun sayo, diba? Choosey pa ba ‘te?” Dahil sa narinig, ay napangiti na si Tridis Pusa at niyakap ang inakala niyang  kanyang konsensiya.

“Oy friend thank you ah, totoo ba yung sinabi mo na patitirahin mo ko sa bahay mo?” Sabi ni Trudis Pusa.

“Hindi, joke lang yun! Ayaw mo? Ayaw mo? Sige ka, magbago pa isip ko, ikaw din!” tugon naman ng Dwendeng Ramos.

“Ikaw talaga, ang joke, joke mo”

“Malamang dwende nga ‘di ba, me dwende bang hindi masayahin ‘te? Mas joke ka pa nga sakin eh.”

“Weh, di nga? Haha.. Moving on, thank you talaga!”

Nagtawanan lang ang dalawa, hahaha…ang saya nila, close agad sila! Ganun kadali!!!

 

Dali-daling bumaba ng hagdan si Tita Annabelle Dama nang malaman niya ang pagdating ni Dwendeng Ramos, narinig niya lahat ang tungkol dito, na siyang pinakamahusay magluto sa buong Engkantasya, at nais niyang hingin ang kanyang serbisyo na ipagluto ang mga bisita niyang mga diwata ‘t engkantada. Wala ng tanong- tanong, wala ng interview, tanggap agad! Kelangan pa ba nun? Bilang kabayaran, bibigyan ni Tita Annabelle Dama ng pagkain para panahon ng taglamig, ang nanakawang dwende at ang  pusang di marunong magluto, na siya namang sinang- ayunan ng dalawang bagong magkaibigan na kapwa kaypait ng sinapit.

“Ngunit kelangan nating magmadali dong,” sabi ni Tita Annabelle Dama, “Ang mga diwata ay laging mayroong handaan, at sadyang mga hardcore party rockers ang mga lola mo ‘dong at mamayang gabi ay kanilang parteh- parteh.” Kaya naman, habang inaayos at nagde-decorate ng bahay si Trudis Pusa ay abala naman sila Tita Annabelle Dama at Dwendeng Ramos sa paghahanda ng pagkain.

Ang mga engkantada at diwata ay tulog sa sa umaga, at tanging gumigising lang sa tuwing may mga bituin sa kalangitan. Mga nocturnal beings ika nga. At sa wakas, bumaba na sila sa bulwagang- pangtahalan. Tunay na kayganda ng kanilang mga kasuotan, kabog ang damit ni Tita Annabelle Dama at kay kinang ng kanilang mga pakpak na tulad ng mga paru- paro sa hardin. Kayrikit ng kanilang mga maamong mukha, ang mahahaba at kulot nilang mga buhok ay sumasaliw sa musika ng kasiyahan. Matapos ang ilang sandali, napuno na ng mga masarap na hapunan ang mga lamesang kabute ng bulwagan, at nagsaya ang mga panauhing ang mga enkatada’ t diwata hanggang sa kapaguran.

Samantala, nag- aayos at naghuhugas naman ng pinagkainan sila Dwendeng Ramos at Trudis Pusa. Kasama nilang kumain si Tita Annabelle Dama sa kusina at nag- chikahan tungkol sa mga buhay- buhay nila. Pagkatapos ng handaan, sabay ng malamig na simoy ng umaga, umuwi na rin sila Trudis Pusa at Dwendeng Ramos dala ang ibinigay na pagkaing sasapat sa kanila para sa taglamig.

At lahat ay nagtapos ng masaya. Si Dwendeng Ramos at ang kanyang mabalahibong kaibigang si Trudis Pusa, ay magkasama na ngayong naninirahan sa bahay na kabute, sa tapat ng matandang puno ng balete. Kada- linggo ay nagta- trabaho sila para kay Tita Annabelle Dama at uuwi sila palagi na may dalang maraming pagkain. Wala narin ang mga pesteng dagang maitim ang kulay at may maitim na budhi, hindi dahil sa Reno Liver Spread, ampalaya’t alugbati ang laging natitira sa pagkain nila Dwendeng Ramos tuwing gabi, kundi dahil may malaking pusa ng nakatira doon●

 

-wakas-

It’s all about Love after all…

Each and every one of us wants to achieve success in life. Some may regard this in terms of wealth and material assets, nevertheless for those humane and who are after real and genuine happiness- “we” consider our greatest in achievement as long as we have our ‘loved’ ones by our side no matter how bad can life be…

****
As part of our values formation in our Philo class, Doc Salvania had read to us numerous selections and stories about love coinciding with the love season this Month of Hearts. Focusing fundamentally with the ‘value of love, wealth, success and time’, I completely realized how significant and essential is love to our existence and how it plays a critical role in achieving real fulfillment and success in our very lives.
Love takes time.
Why? As the story ended, Knowledge answered with deep wisdom and sincerity, “Because only TIME is capable of understanding how great LOVE is!” So touching isn’t it? So pure and so genuine. For me, it hits my whole system with thousands of electrical impulse. It made me realized how much time I had lost to spend it efficiently with my loved ones- my family, my friends, with my life, and oh my gosh I even forgot to spend some time, or more time with our God. And yes, so true that one can only realize what is important and significant when there is no time left to spend. Now I understand how can saying a goodbye to a very special loved is so hurtful and brings a river of tears to someone. Love takes time because it’s more than the physical attachment that a couple or a group of persons feels, but the emotional connection that they build as the TIME passes by. The real value of love can be measured by how much time we devote for each other. How much time we play with them, talk with them, eat with them, cry and laugh with them and even how much time we argue with them give evidence how much time we want to be with them, right? ^_^ because T-I-M-E is the best expression of L-O-V-E 
“Wherever there is Love, there is also Wealth and Success”
Many would consider money or financial success as the most important factor in life. Others would search for fame, yet the list of famous and rich people who have committed suicide or died from an overdose of drugs continues to grow. Why? Because they lack their basic need- to love and be loved. Money and popularity can’t buy us love. It can’t buy us happiness either. It can’t guarantee things to satisfy ourselves that is why, day by day we are becoming anxious of reaching our materialistic goal, but by the time we are already there and capable of having anything we want, the next big question that pop into our mind is, “What’s next?” and one day, we wake up, and we found out that there is still something missing in our life in spite of all the wealth and success whatsoever we have! “Wealth does not ensure real happiness” is by now a old favourite but is bolstered by our belief that we are miserable if we are not wealthy and the sense that we are worse off than others with whom we compare ourselves. Both work against us and lead us into a perpetual cycle of materialism. Let us always remember that love, wealth and success do not come in one’ s life together but if we choose to love first, wealth and success follows. 
In reality, true love and how can we find one depends on our outlook in life. It comes from within. Learning to love others starts with learning to love oneself. Only with God’s help can we begin to realize that, “the most important things in life aren’t things” is more than a slogan. Only with God’s help and a lifetime of grace can we ever hope to really appreciate this insight. We must know ourselves. Find ourselves. Love ourselves. Then we will find our personal meaning and what is important to us- to love and be loved. After all, the world is created out of LOVE. 

The Million Cries Left by Ondoy

“Good Heaven! What on earth is that?!”

It was Friday morning, around 7:45, since classes were suspended because of the enormous typhoon that headed toward the Bicol region and now devastating Manila and nearby provinces. I watched the TV for the latest new updates. My eyes had almost come out of my eye sockets because of the surprising reports I’ve learned. My eyes caught the terrible scenario that was flashing on the TV screen- the tremendous catastrophe and the massive flood made by the Typhoon Ondoy is really alarming.

Ondoy, whose international name is Ketsana, is the 15th tropical depression which had hit the country’s area of responsibility this year. As I watched the news broadcast and was all-ears to the up-to-the-minute happenings, I was intensely knocked for six and flabbergasted in the effect of the onslaught of Ondoy which had brought continuous outpouring of rain over the metropolis of Manila. It wasn’t the man-deep water that surprised me, it was the fact that even the major highways, districts and streets of the metropolitan area were totally and deeply covered with that muddy, yellowish to blackish flash flood waters, ‘twas the first time I’ve seen the streets and the whole city as such! Submerged with massive amount of floodwaters and all of the people were totally crying, panicking to death and doing everything to save their property and very own lives. Everyone was trying to survive the catastrophe, some, leaving behind all of their insignificant possessions to be carried away by the rampaging the flash floods. The country’s worst flood ever took up millions of cries! Hundreds of thousands of Filipinos have had lost their homes, even those TV personalities. Masses of victims are weeping for the loss of their loved ones. Those ordinary and poor citizens are now living on wet lands, if not, on the top their very own roofs. Poor Juan dela Cruz came to realized that he has to fend and depend on himself to keep living, while hoping there is still a miracle to happen.

In fact, they were tens of thousands of wet and hungry people shivering in their cold and dark rooftops, some, in the evacuation centres, were just depending in the aid and donations given by the government and other different generous organizations. However, until when? The relief goods, even the most important, potable drinking water and medicines, just for the poor children alone, were unsure to sustain their needs, how much more to the remaining thousands of Filipinos?

According to PAG-ASA, the rainfall brought by Ondoy to Metro Manila and nearby areas, in a span of 6 hours only was the most in the recorded history. It even surpassed the previous record for the Pool Capital of the World in 1967! If we will look closely, Ondoy had likened the “Great Flood” during the time of Noah in the Bible. With that said, it is really possible to happen again even today. Ondoy repeated the second part, the untold version of that great flood in the Philippines.

Its been days since Typhoon Ondoy had visited the country, the sun is now likely to shine again over the whole Philippines to give another hope to Juan dela Cruz, however, as the sun gives light to us, we also have more glimpse how Ondoy had really brought swatch of damage, devastation, pain, human sufferings, destruction of millions of properties and loss of lives… But the million cries of our million people and countrymen are still left behind, still left stirring everyone’s ears●

*************************************************
JLFMHS- THE EXEMPLARS*
FEATURES STORIES:
*MARCH- OCTOBER, 2008
(4th Congressional Secondary Schools Press Conference: Salog National High School;
Salog, Goa, Camarines Sur │4th Placer, Feature Writing)

BUHAY CALL CENTER INDUSTRY

PARA SA MGA CALL CENTER AGENTS na tulad ko (ewan ko ba kung saan to galing, pero habang nagka- copy paste ako ng kung anek-anek lang ay bigla itong nag appear sa big screen ng aking monitor [sine lang? maka big screen XD] ayun parang virus lang na sadyang ginawa para sa mga call center agent na walang ibang alam gawin kundi mag facebook kapag break at lunch, haha 😀 sinadya ko to baka kasi kelangan ng copyright eh!! salamat nalang ng marame kung sino man ang puno’t bunga ng ideolohiyang ito. Yan ha i did acknowledge kung sino man ang sanhi at bugna ng post na ito) Naka relate ako!!! sana ikaw ren 😀

 

**Mahaba to pero nakakatawa***

 

Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya. Basta ang alam ko, noong mga oras na yun, asa alapaap ang aking diwa. “Congratulations, you’ve successfully passed the recruitment process. You’re hired”.

 

YOU ARE HIRED!!! Marahil, isa sa pinaka masarap na litanyang pwede mong marinig kasama ng “Oo, tayo na” at “Negative ang pregnancy test” (joke lang). Kaya naman nakatitig ako sa kawalan habang pinapaliwanag nung babae mula sa HR department ang mga terms and conditions ng kontrata. Bumalik nalang ang aking ulirat nang pinapirmahan niya ang sandamukal na papel mula sa brown envelope. Di ko alam kung para sa trabaho parin yun o last will and testament.

 

Pagkatapos ng ilang online tests and assessments (nakaka-urat talaga yung typing test), mga interviews na susubok sa tatag ng pinahid mong deodorant, sa wakas, isa na akong “technical support representative”. Oo, call center agent din yun, pero mas mabangis pakingan. Kung baga sa zoology, scientific name.

 

Naks. Di na ako tambay. Isa na akong employed citizen. Maiaahon ko na sa hirap ang aking pamilya. Mapag-aaral ko na ang kapatid ko. Mabibili ko na lahat ng gusto ko. Makakakain nako sa Jollibee kahit hindi linggo, tuwing pagkatapos mag simba. Makaka contribute nako sa bayan pamamagitan ng aking buwis. Pwede nakong magreklamo ukol sa katangahan ng gobyerno. Magtatayo ako ng unyon ng mga callcenter agents (taga-PUP talaga?). Gagawa ng resolusyon upang maibsan ang climate change. Ipo-promote ang world peace. Malulunasan ko ang famine sa Africa. Tatakbo ako at mananalo bilang kauna-unahang “non-american citizen” president of America (ano daw??) at pwede ko nang ipa-assasinate sa navy seal si Justine Bieber. Spell, Naive (ay, ayan na pala).

 

**Unang trabaho, unang sabak sa telepono. Memorable ang pinaka una kong call. Sabi nung customer, ipasa ko nalang daw sa iba dahil mukhang wala akong ideya sa ginagawa ko. Sweet naman nya.

 

**3 taon. 4 na employee number. 4 na posing para sa ibat ibang ID ng magkakaibang kumpanya. At kung usapang stereotypes lang naman, heto sila..

 

1. Di mo alam ang petsa. Feeling mo ang mundo ay isang exercise wheel na tinatakbuhan ng alaga mong hamster. Paikot-ikot. Walang katapusan. Zombie, ika ng iba. Gising, pasok. Uwi, tulog. Pero babalik din ang ating kamalayan tuwing a-kinse at katapusan.

 

2. Hirap kang matulog sa bahay, pero di mo mapigilang mapa-pikit pag asa trabaho. Di ko alam kung dahil ba sa aircon o ang sarap lang managinip na isang malaking punching bag ang kupal mong TL, tuwing nakikita mo siya.

 

3. Ikaw o may kakilala ka, na energy drink na ang dumadaloy sa mga ugat. Cobra sa almusal. Sting sa tanghalian. Extra Joss ang panulak pag nabubulunan. Lipovitan naman ang nilalagok tuwing umiinom ng biogesic.

 

4. May kakilala ka din na laging may bitbit na baso ng starbucks kapag papasok. Siguro, importante talaga ang kape pag graveyard shift. Pero ang nakapagtataka e, buong araw na niya itong hawak, at sa paraan na makikita mo ang pangalan niya na nakasulat sa baso.

 

5. Alam mo ang mga term na “pitik” at “hadouken”. At madalas itong masusundan ng pagta-type sa notes ng “Customer ended the call”.

 

6. Kahit madalas e demonyo ang tingin mo sa kanya, gusto mong halikan sa tuwa ang TL mo pagsinabi niyang “Go on aux 4, coaching tayo”.

 

7. Pero malulungkot ka ulit, dahil malalaman mong bagsak lahat ng na-audit mong calls. Tipong, ang nakuha mo lang ng tama, ayon sa QA, ay opening at closing spiel. Lahat sablay na.

 

8. Sa lahat ng buttons ng Avaya, Auto in ang pinaka mahirap pindutin, parang may kung anong pwersa na pumipigil, parang invisible force field, samantalang Log Out naman ang bestfriend ng iyong daliri. Lagi rin itong “aksidenteng” napipindot.

 

9. Nakatangap kana ng perfect csat survey kahit hindi para saiyo (sabi nung customer , napaka helful daw ni Jenny. E Brando ang pangalan mo sa phone). Pero nakareceive ka na din ng Dissat kahit resolved ang issue.

 

10. Speaking of, kung parang generic name ng gamot ang pangalan mo, walang problema yan, dahil legal ang pag gamit ng phone name o alias. Halimbawa, sa totoong buhay, ang pangalan mo ay Godofredo, sa industriyang ito, ayos lang na mag opening spiel ka ng “Thank you for calling, my name is Summer”.

 

11. Naisipan mo nang mag-amok at sindihan ang smoke detector para magpaulan ng tubig ang mga sprinkler, tuwing queuing.

 

12. May kakilala kang bigla-bigla nalang nagwawala, hinahagis ang headset, hinahambalos ang kanyang mug, dinudurog ang avaya sa pamamagitan ng paghampas ng keyboard, dahil hindi alam ng customer kung nasaan ang “start” button.

 

13. Yung TL mo bigla nalang nagkakaroon ng meeting, pag nakita ka niyang papalapit, sa pag aakalang Sup Call na naman ito.

 

14. Kung may Teachers Pet, meron ding TL’s Annoying Monkey. Siya yung team mate mo na laging ume-epal at kadikit lagi ng team leader nyo. Madalas siyang taga-report ng mga late o overbreak. Lagi din siyang humihirit ng mga helpful tips pag team meeting. Sarap lagyan ng tattoo sa noo na “Wala akong pakialam”. Joke lang.

 

15. Dahil immersed tayo sa konsepto ng tamang “customer service”, madalas kang mag-amok sa mga fast food chain kapag pakiramdam mo ay “youre not getting your money’s worth”. “Ano to!! Sabi ko LEG part.. Bakit tuyong BREAST ang binigay mo sakin? Tawagin mo ang manager!!!”.

 

16. Meron ka o dumating sa buhay mo ang point kung saan nag-apply ka ng credit card.

 

17. May kakilala kang ayaw tumigil kaka-english kahit sa mga pampublikong lugar o PUVs pero parang tanga na kating-kati mag Tagalog sa mga English Only Zone ng opisina.

 

18. Mahirap umisip ng dahilan kapag na late ka. Dahil walang trapik at imposibleng umattend ka ng PTA meeting ng anak mo, pag alas dos ng madaling araw.

 

19. May team mate kang aligaga sa buhay at walang ibang nais na i-suggest kundi ang mag team building kayo. “TL: Guys, ano bang magandang action plan para bumaba ang AHT ng team? SIYA: Team building tayo!!”

 

20. Mas maangas pa sa CEO ng kumpanya kung umasta ang mga security guard. Nagulantang ako dati nang minsan kong tanungin si Manong Guard ng “Saan po dito yung testing area?”, sabay sagot ng “Im sorry, but you must be aware that this is an *English Only* zone”. Muntik nakong sumuka ng dugo.

 

21. Bukod sa crush mo, isa sa napaka konting bagay na nagpapangiti sayo tuwing shift ay mga “Ghost Calls”. Kung saan para kang tanga na uulit-ulitin ang opening line, dahil SOP ito.

 

22. Naranasan mo nang sapilitang tumawa dahil TL, OM o Shift manager ang nag-joke nung nakasabay mo siya sa elevator, kahit na sabaw ang kanyang sense of humor.

 

TL: Anong hayop ang magaling mag karate? Ikaw: Bwahahahaha!! (halos masuka ka na sa pag-papangap) Ano boss? TL: E di.. TILAP-YAHHH!! Ikaw: Nyahahahaha!! (gusto mo nang ipitin ang ulo mo sa pinto ng elevator) Nice one!!

 

23. Pinasok mo ang industriyang ito kalakip ang pag-asa ng mabilis na promotion. Oo, nasa performance mo nakabase ito, pero umamin ka. Pagkatapos ng unang 6 na buwan, narealize mo na mailap ito parang Halley’s comet.

 

24. Naranasan mo na ang sumakay sa isang PUV after shift, kung saan, ikaw lang ang stressed ang aura, amoy yosi, amoy alak, samantalang lahat ng ibang pasahero ay preskong-presko, mga amoy downy at blooming dahil papasok palang sila.

 

25. Sa pag-aakalang napindot mo ang mute, nag-tatatalak ka ng tagalog habang may call. Huli mo nang nalaman na naririnig ka ng customer sabay tanong ng “Im sorry, what?”. Pero dahil maparaan ka, sinagot mo siya ng “oh.. that was a secret passage, written in the language of Mordor, that must be uttered to hasten your dwindling internet speed..”.

 

26. Naranasan mo nang mag-google ng mga sakit na pwede mong idahilan kapag tatawag ka sa sick hotline niyo. Mas “uncommon”, mas maganda. Dapat binubuo ito ng 3 o higit pang medical terms.

 

27. Poker face lagi ang company nurse o physician. Hindi sila madaling mapaniwala sa mga nagsasakit-sakitan. Sanay na sila dyan. Lumang tugtugin kung baga. Pauuwiin ka lang kung naisuka mo na ang iyong baga o kulay violet na ang iyong buong katawan.

 

28. Nakauwi na ang lahat subalit naiwan ka parin sa floor dahil sa customer mong isang oras na nagpapaturo, pero hindi parin magets, ang sayantipikong proseso ng pag “copy+paste”.

 

29. Kung medyo sablay ang kumpanya, naranasan mo na din ang “hot seating”. Ito yung mala-espanyang pagsakop sa work station mo ng kung sinong Lucifer, kung offline ang iyong phone status. Hindi epektibo ang pag-iiwan ng gamit, pagpapaskil ng iyong larawan sa monitor o paglalagay ng note na “Ang kumuha ng station na to, tutubuan ng pigsa sa gilagid”.

 

30. Di tulad ng ibang propesyon, hindi big deal dito ang AWOL.

 

Boy A: Asan na si Jayson? Boy B: Nag AWOL na. Boy A: Ah ok. Anong ulam sa pantry?

 

31. Ikaw o may kakilala kang buong angas kung maglakad sa recruitment area kapag merong mga bagong aplikante. Minsan doon pa mismo tatambay kapag break para ipangalandakan na empleyado na siya. Mas mabisa din kung paiikutin mo ang iyong ID sa leeg na parang hulahoop.

 

32. Napa-upo kana sa isang work station na puno ng kapalpakan. Kumukurap ang monitor. Mga duro-durog na chichirya ang nakasingit sa pagitan ng mga keys ng keyboard. Yung headset naman, its either mahina, di ka marinig ng customer o nababalot ng sang katutak na scotch tape. Parang embalido lang.

 

33. Nakakita kana ng isang kumag na pasiklab kung magtype ng password sa mga system tools niyo. Ambilis ng pindot sa keyboard, tulad ng napapanood mo sa mga sci-fi movies. Pero madalas, password incorrect. Maya-maya, mapapansin mo na isa isa nalang ang pag press niya ng mga letter. Kinain ang pride. Busog.

 

34. Automatic na lumalabas sa bibig mo ang mga phrases na nagpapakita ng sympathy sa customer, kahit na sa totoong buhay e wala ka namang pakialam kung dumadaan siya sa matinding pagsubok gaya ng pagbagal ng internet connection o pagkalimot ng email password.

 

CX: Bear with me, im such an idiot when it comes to tech stuff. You: Its ok maam. And im sorry that you’re an idiot.

 

35. Halos araw-araw kang makakarinig ng mga istorya tungkol sa isang bagong kumpanya na mas malaki ang sahod, mas magandang management at mas magandang facilities. “Balita ko nga eh, may swimming pool sa ops area nila, at may libre na isang kilong ubas tuwing pasko”.

 

36. Aminin mo man o hindi, namangha ka din sa pintuan ng opisina na kelangan pang i-swipe ang ID mo para bumukas. “Ay pota.. Magic!!!”.

 

37. Dahil graveyard shift, hindi rin mawawala ang mga kwentong kababalaghan sa callcenter industry. Kesyo dati daw sementeryo ang site na yun o may namatay nang agent sa opisina niyo dahil aksidente daw nyang nakain ang Avaya at nabulunan.

 

Ikaw: TL, Biglang na-drop yung call!! May multo!!!”. TL: Ulol.

 

38. Meron kang souvenir mula sa kumpanyang balak ata i-declare na “critical working day” ang bawat petsa sa kalendaryo. Maaaring mug na may logo ng company. Ballpen na may logo ng company. Payong na may logo ng company. Burial plan with complimentary lapida na may logo ng company.

 

39. Hindi rin mawawala ang love team. Naks. Tamis sa gitna ng masalimuot na mundo ng queuing. Sabagay, mahirap din naman kasi ang magkaroon ng matinong relasyon kung hindi callcenter agent ang jowawers mo. Tipong tinext mo, pero tulog siya. Mga 8 oras na ang nakalipas bago pa siya makareply. Tapos, ikaw naman ang tulog. Vicious cycle.

 

40. Langit ang training phase. Petiks mode. Buddy up lang lagi. Kaso simula na ng impyerno mo paglampas ng nesting.

 

Taliwas sa pinagsasabi ng mga ignoranteng taong tabon, na hindi kailangan ng utak para makapag trabaho sa isang callcenter, tagisan dito ng talino (kung paano mare-resolve ang issue), abilidad (na magtransfer), creativity (pagiimbento ng dahilan kung bakit dapat niyang sisihin ang kanyang anti virus software) at lakas ng loob (sikmurain ang mga ingles na mura na kadalasan mo lang maririnig sa mga hollywood movies o kanta ni Kanye West).

 

Karamihan sa kakilala kong matatalino, puno ng sense at mababait (kung team mate kita dati, nabasa mo naman siguro ang mga papuring ito, kailangan ko ng dalawang daang piso, baka meron ka diyan) ay nakasalamuha ko sa nasabing industriya. At kahit kelan, di ko malilimutan ang pagkakaibigan at mga karanasan ko mula dito.

 

***Thank you for calling, to which department would you like to be transferred?

A NEW BEGINNING

HELLO :)) i am a newbie here, hehe. i hope we will be friends and hopefully become my bestfriend too!

Like a newly born seed opting its way to have leaves and stems, finding its way from the wet and cold soil of earth to reach what is above the ground, to feel the sunlight, have its first take of oxygen and breath like a new creation :))

WELCOME TO ME, THANKS FOR HAVING ME HERE :))

Image